© 2008 Jobee

aklat

aklat

sa edukasyon tayo’y unang namulat
sa pamamagitan ng mga aklat
mga pahina’y dahan dahang binubuklat
unti-unti tayong nagkakaulirat

ang mga aklat ay may iba’t ibang uri
iba’t ibang uri tugon sa ating mga sangguni
aklat para sa mga bata at matanda
para sa kahit anong edad ay mayroong gawa

nariyan ang komiks, koloring buk
mga teksbuk, workbuk o paketbuk
ito’y bahagi na ng ating buhay
sa araw-araw ating kaagapay

subalit sa mga panahon ngayon
kamakailan hanggang maglaon
mga akat ay di napagtutuunan ng pansin
kung sila’y mga bakal, siguradong kakalawangin

iilan na lamang sa atin
ang aklat ang babasahin
minsan ay masakit man malaman
ngunit ito ay ang katotohanan

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *

*
*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>