© 2008 Jobee

Puno ng Mangga

Ten years passed since I graduated high school.

This is for all my batchmates in Ecumenical High School. Go Blue Owls!

puno ng mangga

miss ko ang puno ng mangga
dami nitong alaala
natatandaan nyo ba ba?
noong tayo’y mga bata pa

dito madalas si sarah at suba
dito naaksidente si brian miranda
dito unang nasilayan panty ni secret
at dito kami nag-away ni jobert

tuwing mataas ang sikat ng araw
sa lilim nito, tayo’y nakahambalaw
at kung sakaling uulan
panandaliang kubli ang mararanasan

natatandaan nyo ba pag panahon na
ang punong ito’y kayrami ng bunga
tuwing hapon ay nanunungkit
hanggang sa mga balikat ay mangawit

sa ilalim nito, tayo’y nagtitinda
ng halo-halo at kung anu-ano pa
ano na kaya nangyari sa kanya
tagal ko na ring di nakikita

nariyan pa ba o wala na?
ang ating takapagkalinga
ng mga sikreto at drama
ng ating mga lungkot at tuwa

tunay na natutuwa
kapag aking naaalala
ang puno ng mangga
sa ating eskwela

2 Comments

  1. eymi
    Posted 2008.12.04 at 3:59 pm | #

    i remember my poem, kwento ko sa jeepney.

  2. eymi
    Posted 2008.12.04 at 4:01 pm | #

    we have naman the higad area, that giant acacia in tsu-ls, the one close to the open field.

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *

*
*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>